日本での生活に役立つ多言語情報(タガログ語)
Pagpapa rehistro ng isang dayuhan 外国人登録をする
Ang kasalukuyang patakaran sa pagrerehistro ng Alien Card ay mapapalitan sa taong 2012,buwan ng Hulyo. Ang ipapalit na binagong batas ay ihahalintulad sa Registration Card na ginagamit ng mga hapon.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page (Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Ang pag aayos ng Visa 在留手続きをする
Ang pag rerenew ng Visa ay 2 buwan bago sumapit ang expiration date nito. Maaaring kailanganin na mag presinta o mag pasa ng Proof of Employment o Proof of income sa prosesong ito.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Patakaran ng Pamumuhay 生活ルール
Ang pagtapon ng basura
Sa pagtapon ng mga basura, mangyari po lamang na obserbahan o inspeksyonin ang mga nilalaman ng basurahan bago mag tapon, sundin ang mga Rules ng pag tapon ng basura. Kapag hindi sinunod ang itinalagang alituntunin ng basura, maaari tayong maging distorbo o maka peperwisyo sa ating mga kapit-bahay. Iba- iba ang alituntunin ng pagtapon ng basura sa ibat-ibang lugar. Para sa karagdagang kaalaman, mangyari po lamang na makipag ugnayan sa pinaka malapit na munisipyo sa inyong lugar.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pag-iingay
Kung mag papatugtog ng malakas o magiingay, maaaring nakadidistorbo tayo ng kapit-bahay. Mangyari po lamang na pag sapit ng dapit-hapon (o pag sapit ng 9 ng gabi) ay ating iwasan na mag ingay. Atin din pong iwasan ang pag gamit ng Vacuum at Washing Machine sa gabi dahil ito rin ay naka gagawa ng ingay. Kahit sa umaga tayo rin ay mag ingat na huwag mag ingay ng sobra.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Patakaran pang-trapiko 交通ルール
Lisensya sa pagmamaneho
Kinakailangan na mayroong lisensya sa pagmamaneho kung gagamit ng sasakyan. Sa mga nais kumuha ng lisensya sa pagmamaneho, mangyari po lamang na magtungo sa Driving School.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Car Maintenance
Kinakailangan na madalas siyasatin ang kotse na pag mamay-ari ng isang tao.Ipa check ito sa pinagbilhan ng inyong kotse.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Compulsory Insurance
Ang mga nag mamay-ari ng kotse ay dapat na ipina eensure o nakaseguro ang sasakyan, dahil magbabayad ng tiyak na halaga kapag nag maneho ang isang casualty o taong hindi naka ensured.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Naghahanap ng trabaho 仕事をさがす
Kung nais mag hanap ng trabaho, mangyari po lamang na magtungo sa ahensya ng Hello Works.Ang Hello Works ay isang ahensya na nag bibigay ng advise o payo sa mga taong naghahanap ng trabaho. Ang ahensyang ito ay nagbibigay din ng libre paghahanap at nag eendorse ng lugar o kompanya na nagha-hire ng trabahador.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Para sa mga gustong magpa Social Insurance 社会保険にはいる
Medical Insurance
Kapag napinsala o nagka sakit, mayroon na kaunting bahagi ng medikal na gastos na kailangang bayaran, at ang lahat ay pwedeng maka-tanggap ng medikal na pangangalaga. Itong sistemang ito ay ligtas para sa lahat. Sa trabahuhan naman ay naka partner ito sa Pension,Public Health Insurance, at para sa mga taong may sariling business, ang National Health Insurance ang dapat gamitin. Kailangan na magpa tala sa pinakamalapit na munisipyo sa inyong bayan.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Employment Insurance
Ang Employment Insurance o (koyou hoken) ay tulong para sa mga trabahante na nawalan ng trabaho hanggang sa sila ay makakita muli ng panibagong trabaho. Ang pinansyal na tulong na ito ay para sa pang araw-araw na kabuhayan. Kinakailangan na kayo ay magpa miyembro sa nasabing sistema.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Care Insurance
Para sa mga taong mangangailangan ng serbisyo ng pangangalaga, kinakailangan na mayroon kayo ng Care Insurance Service. Ang mga tao na may edad na 40 anyos pataas ay maaaring kumuha o gumamit ng Care Insurance Service.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pension
Mayroong Pampublikong Pensyon upang matiyak ang buhay sa pag tanda. At kapag nagtatrabaho o empleyado sa isang kumpanya, maaaring mag apply ng kousei nenkin o pensyon pang empleyado.Mayroon din na Pambansang Pensyon para sa mga may sariling pinagkakakitaan.Ang mga alituntunin ng pensyon ay depende sa lugar o bansa ng inyong kinaroroonan, hindi po natin ito pwedeng ihambing sa mga alituntunin ng pesyon sa ating bansa.Dapat ay isang kang miyembro upang ikaw ay mabigyan ng nasabing serbisyo.Ang Pampublikong Insurance at Pension Plan ay kasama ng National Health Insurance.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Para sa pag babayad ng Tax o Buwis 税金を支払う
Ang taong kumikita nang sobra sa itinalang halaga, ay may pananagutan na mag bayad ng buwis, kahit ikaw ay isang dayuhan. Dapat mag-aral ng mekanismo ng buwis ng hapon ang bawat isa.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pagpapa kasal 結婚する
Kung nais magpakasal, maaaring humingi ng payo o mag tungo sa presidente ng inyong bansa o sa konsolado ng inyong bansa. May pagkakataon na kayo ay pagrereportin sa munisipyo .
(Kung nais makipag hiwalay, maaaring humingi ng payo o mag tungo sa himpilan ng presidente o konsolado ng inyong bansa. May pagkakataon na kayo ay pag rereportin sa munisipyo.)
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pagkakaroon ng anak 子どもが生まれる
Panganganak at pag-alaga ng bata
Kapag nanganak, kinakailangan po na magpasa ng Report of Birth sa loob ng 14 araw mula sa kapanganakan ng bata. Para sa karagdagang kaalaman, mangyari po lamang na mag tanong sa pinaka malapit na munisipyo sa inyong lugar.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pagpasok sa paaralan 学校へ行く
Pampublikong Sistema ng Edukasyon
Ang batas ng edukasyon sa bansang hapon ay, elementarya 6 na taon, Junior High school 3 taon, Senior high school 3 taon, University/College 4 na taon(short course college 2 taon).
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Pag punta sa Ospital 病院へ行く
Multilingual Medical Questionnaire
Isang medikal na palatanungan upang maipaliwanag ang sintomas ng mga sakit at pinsala sa katawan(10 paksa、13 lenguwahe)ang naka tala dito.
・Juridical Foundation Kanagawa International Foundation home page
Konsultasyon para sa pamumuhay 生活の相談をする
Konsultasyon para sa DV
Konsultasyon para sa mga kasosyo sa karahasan,at kasal, pagkatapos ng diborsyo pati na rin ang katotohanan na may asawa ang mga kasosyo sa ngayon.
Welfare para sa may kapansanan
Serbisyo upang masuportahan ang kalayaan at panlipunang pakikilahok at intelektuwal na pag-unlad para sa mga taong may mental na kapansanan.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)
Kapag namatayan ng kapamilya 家族が死亡したとき
Pag aayos ng papeles para sa namatayan
Sa mga namatayan,mangyari po lamang na magpasa ng Report of Death sa loob ng 7 araw mula sa araw ng pagkamatay. Pagka tapos maisulat ng doktor ang Death Certificate ay saka lamang ipoproseso ang Report of death. Para sa karagdagang kaalaman maaaring magtannong sa pinakamalapit na munisipyo sa inyong lugar.
・Council of Local Authorities for International Relations(CLAIR)home page(Impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika)